RSS

10.7.11

T.G.I.S Presents: Malapit nang magsara ang isang Chicken restaurant, abangan

Ang biktima sa masalimuot na kainan
     Isang malamig na sabado ng gabi, biglang nagka-yayaan kaming magka-kaibigan na pag-tripan ang bagong promo ng isang sikat na Chicken Inasal restaurant sa may Meycauayan tollgate na Buy One-Take One for only P100 -- bale singkwenta per head. Umuulan noon, at baha sa may amin kaya wala sa balak ko talaga na sumama o hindi kaya'y nakukutuban kong hindi matutuloy ang lakad. Kaya lumabas ako ng bahay kahit baha sa tapat namin para tumambay sa aming paboritong tambayan-slash-tindahan namin, ang Irog's Grill kung aming tawagin. Tindahan lang talaga siya na sari-sari store, although kada quarter yata ng taon ay may bagong attraction na pakulo si Tita. Kagaya last year, nagbebenta na rin sila ng pisbol, kikiam, itlog pugo, at fried siomai na pwedeng pampulutan ng mga nag-iinuman doon. At nang i-pull out nila ang 'Ituhog Mo Pa -- Fishballs YumYum!" idea nila, ginawa naman nilang bagong atraksyon ang videoke-while-you-make-inom sa may garahe 'ata nila.

    Anyway, pagdating ko doon sa may tindahan ay kumpleto ang lahat at naka-porma't jacket pa. Ang matalik na kaibigan kong si Von at si JR, nakasakay sa motor at tila aalis pa. Bakit kaya? Whatshish going on?
          "Tol! Sasama ka ba?" bati sa akin ni Kathlyn habang papalit sa tindahan with a weird facial expression.
          "Bakit, anong meron?" tanong ko.
          "Inasal daw..." sagot niya.

 The hell, gagastos na naman ako? Bumalik ako sa bahay para kunin ang aking trusted ATM card dahil be-beinte pesos na lang ang pera ko sa wallet ko. At nang makuha ko na ang card ko ay lumakad na kami pabalik ng tindahan kung saan naghihintay ang iba. Gamit ang sasakyan ni JanJan, anim kami na nasa loob nito. Mantakin mo, Toyota Altis lang 'ata yung sasakyan pero para kaming sardinas sa loob ng sasakyan -- apat ang nabibilang pa sa Heavyweight division. Makalipas lang ang sampung minuto ay narating din namin ang SaveMore Malhacan branch na malapit sa tollgate. 'Nak naman ng, ang tagal ko na talagang hindi gumagala sa Meycauayan -- mayroon na palang SaveMore na malapit sa amin? Anyway, nagpark na lang ng sasakyan at lumakad na kami sa nasabing restaurant kung saan naghihintay si Von at Jr kasama ang isa pang lalaki na ngayon ko lang nakita pero parang araw-araw na nilang nakikita. At nang ihanda na ng waiter ang mga order naming Chicken Inasal -- Royal Rumble na!
Suka, Chicken Oil, at Toyo
 Noong una, parang nagkakahiyaan pa. Although nagtatawanan at nagke-kwentuhan pa, mahahalata mong itinatago lang ang kasibaan sa katawan. May ibang tahimik na naka-upo sa sulok at kumakain (ako 'yun), may ibang ginawang sabaw ang Chicken Oil (ako ulit 'yun), at may ibang tinitipid ang manok pero tatlong subuan ng kanin (ay, hindi na ako 'yun). Pero nang lumapit ang waiter na nagbibigay ng extra rice sa mga customer, 'agad naming tinawag ito para magpa-lagay. At dahil sa katakawan ng mga nasa bandang kanan (tatlong pinagdikit na mesa ang gamit namin), hindi pa man umaabot sa pangalawang mesa ay ubos na ang kanin. Naku, sinasabi ko sa'yo, para kaming mga evacuees na naghihintay bigyan ng kanin dahil panay tawag namin sa waiter. May isang instance pa nga na naubusan talaga ng kanin at mga anim na minuto 'ata kaming mga nasa pangatlong mesa na naghintay para sa kanin na sinasaing pa 'ata. Lintik kasi 'yung mga nasa unang mesa, kung maka-hingi ng extra rice eh dala-dalawa. First time niyo, o sadyang 'di uso ang kanin sa bahay niyo? Hindi, biro lang -- 'kooow naman masyado kang apektado. Anyway, nang matapos ang kainan (lahat ng jacket ay nakabukas at ang mga sinturong niluwagan), nagka-alaman na kung sino ang masiba sa kainan at kung sino ang mga nakuha pang mahiya. At ang nagwagi -- si JR na nakakain ng isang buong parte ng manok na pecho at pitong kanin. Yep, PITONG KANIN. May halimaw na bulate sa loob ng tiyan niya, pare. Hindi man namin naka-usap ang branch manager, pero na-imagine ko ang hitsura niya sa loob ng kaniyang opisina. Para siguro siyang naluging Instik.

    Sa mga kasama ko noong araw na 'yun, aabangan ko ulit ang binabalak niyong malupit sa mga susunod na mga Sabado. At oo nga pala, 'di ba kayo nako-konsensya sa mga manok na hindi na muling sinikatan ng araw -- mabusog lang tayo? Baboy naman! Ü

Ang mga taong banned na sa mga all-you-can na restaurant

5 comments:

Anonymous said...

aus nnmn toh mr.journalist ha...my pnibgo kna nnmng pnibgong real life story...ahahaha...d ble dadagdagan p ntin yng mga xperience n yn...hahaha...til nxt saturday night...T.G.I.S.

the intonskinator said...

Ah ganon, journalist ka na pala nyan? Hahaha :)) Isa lang masasabi ko dyan, baby.

ANG TATAKAW NIYO. Panalo. Kayo ay isang alamat. Hahaha. Love you :)

Anonymous said...

pare ... sa sabado naman sa birthday celebration ni mae un busugan naman sa alak HAHAHA ! :))

mamamataylanggam said...

Si JR lang po ang alamat :)

Anonymous said...

like! super like! iba ka tlga.. iBilib :D

Post a Comment

Suggestions? Requests? Violent Reactions?