RSS

2.6.12

The Apocalypse


April 1, 2012 – probably around past midnight. I found myself watching a movie about a prophecy that’s been passing from generations to generations since what, the Mayans decided to end their calendar four days shy before Christmas. Actually, last year ko pa balak panoorin itong palabas na ito pero dahil naging busy sa work for almost a year ay hindi ko matapos-tapos ito (ang naalala kong scene sa palabas na ito bago ko pa panoorin ngayon ay nang mag-landing sila sa Yellowstone para hingin ang mapa kay Charlie), pero dahil bumili ng original DVD copy ang nanay ko kagabi ay pinanood ko na rin. At ayun, after 2 hours of catastrophe of apocalyptic proportions, ground-breaking effects, people screaming and running for their lives, at unti-unting pagka-ubos ng mga cast ng palabas (tatlo na lang sa mga kilalang artista ang nabuhay) ay naiwan akong tulala at litong-lito sa palabas na dapat ay magsisilbi kong pampa-antok.
Ang nakakatuwa lang sa palabas na ito ay parang nabasa ko ang eksenang ito sa isang libro na maraming tao ang may akda. Naisip ko nga habang binabalikan ko ang mga eksena na napanood ko ay para lang itong modern-Noah’s Ark-flooded world disaster story na hinaluan ng prophecy para mas lalong kagatin ng tao. Sabi sa propesiyang ito ay sa araw ng December 21, 2012, the world that we all know will come to its end. Magugunaw ang mundo, magkakaroon ng ‘rupture’, o kung ano-ano pang pangyayari na hindi kayang lagpasan ng santinakpan. Hindi ko alam ang buong storya ng propesiyang ito, pero alam ko na ang mga Mayan na umupa sa mundong ibabaw ilang libong taon na ang nakakalipas ang nagpanimula nito. Sabi ng iba na mga Mayan daw ay matatalinong nilalang na naisip nila na ang mundo ating ginagalawan ay parang gatas o gamot lang – may expiration date din, at ang best before date na iyon ay ngayong taon na mismo. Marami ding mga tao ang sumunod sa yapak nila at gumawa ng sarili nilang petsa ng araw ng paghuhukom. Fortunately, nalagpasan naman natin lahat ng mga araw na iyon na buhay pa’t humihinga – maliban sa isang petsa.
Kung ako ang tatanungin tungkol sa bagay na ito, malamang tawa lang ang unang maririnig mo sa akin. My Roman Catholic-side would probably tell you that only God above knows our expiration date. Sa isang iglap — kapag nayamot Siya sa kabulastugan ng taong nilikha Niya ay baka magpadala ulit Siya ng baha na mas mababa lang ng bahagya sa Mount Everest. Totoo lang, sanay na akong manirahan sa bahaing lugar kaya baka hindi na bago sa akin kung ganoon. But kidding aside, naalala ko sa Exodus kahit na ilang taon ko nang hindi binabasa ulit ang Bible ay nangako ang Diyos na hindi na niya ulit iyon gagawin. Nasa 10 commandments Niya ang utos na ‘bawal magsinungaling’ kaya I’m really hoping na malabong mangyaring hindi Niya iyon tutuparin. Kung scientist-geek opinion ko naman ang palilitawin mo, malamang sampalin lang kita ng mga URL na mula sa Wikipedia. To be honest, wala akong maibabanat sa’yo na non-religious opinion dahil una sa lahat ay ipinasasa-DIyos ko na lang ang kapalaran ko at ng mga taong mahalaga sa akin araw-araw. Kung kukunin na Niya ako, siguraduhin lang Niya na busog ako sa explanation kapag nagtanong ako sa Kanya na para bang commercial ng McDo. Nagbabasa-basa rin naman ako online tungkol sa mga facts at haka-haka ng mga scientist at self-proclaimed ‘prophets’. Minsan naiisip ko na may point din naman sila sa mga nakikita nilang kapalaran natin in the near future pero bigla kong maiisip ang ilang bagay kagaya nito:
o    Wasn’t there a time when the brightest minds on the earth thought or believed that the world was flat?
o    There is a time when they also believed that the earth is the center of the solar system and not the sun.
o    Hanggang ngayon ay hindi pa rin nasasagot ang mysteryo kung paano nawala ang mga dambuhalang dinosaurs that once ruled the earth at kung paano nahati sa anim na continents ang mundo.
Ang mga scientist o matatalinong tao sa mundo – kahit gaano pa sila katalino, ay tao pa rin at posibleng magkamali pa rin sa mga bagay-bagay na inaakala nilang tama at mali. Malay natin, tama pala sila na isang malaking kalokohan ang mga taong nagsasabing magugunaw ang mundo sa taong 2012. At malay din natin, tama pala ang mga ‘propetang’ nagsasabing katapusan na ng mundo ngayong 2012 at hindi lang talaga sila nagkasundo-sundo sa tunay na petsa. Kung ako ang tatanungin, malay natin there’s a teeny tiny possibility na magbago ang lahat at magtagal pa tayo ng ilang taon sa mundo o malusaw kasabay nito sa December – kung sa basketbol nga ay maraming nangyayari kahit 24 seconds na lang sa time clock, siyam na buwan pa kaya bago ang nakatakdang araw? Pero let’s face it, magunaw man o hindi sa December 2012 ay aminin nating hindi talaga okay ang kalagayan ni Mother Earth (and I’m not talking about my Level-2 technical support representative sa opisina). Naging favorite past time na ni Inang Kalikasan ang magpakawala ng lindol sa buong mundo, at kaliwa’t kanan din ang bagyo’t buhawi sa Pilipinas at iba pang parte ng mundo ngayong summer season. Snow na lang ang hinihintay ko na mangyari sa Pilipinas, kumbinsido na ako na “Putang-ina, it’s either may hindi magandang mangyayari sa mundo ngayon o nag-migrate pala kami sa Alaska kagabi pero nakalimutan ko lang”.
                Pero sige, let’s play the ‘Devil-advocate’ game: what if *knocks on wood* magunaw nga ang mundo this coming 12-21-12? Have I lived my two decades here on earth to the fullest, or the ‘foolest’? Oh no, life flashes back. Bigla kong naisip, marami pa pala akong hindi nagagawa sa buhay ko. Sa ngayon habang ginagawa ko itong blog entry ko na ito ay hindi pa ako nakakahawak ng diploma o nakakapag-suot ng itim na toga. Sa ngayon, hindi pa ako nakakasahod ng pang-isang milyong piso ko simula nang magtrabaho ako last December 2010. Siguro kung nasa cartoons tayo ay malamang pumulupot na sa bahay namin ang ‘to-do lists’ ko sa dami ng mga planong hindi pa naisasagawa. Kulang ang 23 years para gawin lahat iyon dahil strict ang nanay ko noong mga unang dekada ko pa lang na mamuhay para payagan akong mag-around the world pagka-retire sa trabaho (actually, hanggang ngayon ay strict pa rin naman siya kahit kaya kong bumiyahe ng Hong Kong mag-isa basta’t may pera). Kulang ang 23 years dahil wala pang tao na bumuo ng pamilya at magkaroon ng apo sa edad na beinte (kung alam ko lang na hanggang 23 years old lang ang itatagal ng buhay ko ay inanakan ko na ang magandang nurse na tumulong sa tumuli sa akin noong 11-12 years old ako). At higit sa lahat, kulang ang 23 years old para patunayan sa sarili ko na may mararating ako sa buhay kahit na wala akong ideya kung paano laruin ang buhay noong mag-kolehiyo ako. Para kasi sa akin ngayon ay ang buhay ay parang laro lang – parang Grand Theft Auto to be exact. Dapat alam mo kung paano tapusin ang mga misyon na dinaraanan mo habang lumilipas ang mga oras at taon. At siyempre, may mga side missions din ang buhay kagaya ng pagiging taxi driver just for the hell of it, hanapin ang mga natatagong yaman sa syudad, at iba pang mga katarantaduhan pwede mong gawin kapag burned-out ka na sa kalalaro ng mga misyon. At kapag nagawa mo ng tama at kumpleto ang mga bagay na iyon, 100% ang completion mo sa buhay. Kitam, may positive effect din ang paglalaro ng GTA – hindi ko alam kung bakit galit na galit ang mga aktibista dito.
                Ngayon ay alas-kwatro na ng umaga, dalawang oras na ang nakalilipas nang panoorin ko ang palabas na pakay ko sa usapan ngayo pero nasa isip ko pa rin ang concept ng palabas. Ang sarap murahin ng direktor at sigawan ng “Oo I get the picture, 2012 na ngayon – so what’s your point?”. Ginawa ba ang palabas na iyon para katakutan ko ang pagpatak ng masalimuot na araw na iyon, o para ma-apreciate ko ang buhay na tinatamasa ko ngayon? Ah basta, kagaya ng sinabi ko kanina lang ay ipinapasa-Diyos ko na lang ang lahat. Bahala na siya kung makiki-ride siya sa trip ng mga ‘propetang’ iyon o hahayaan niyang tao na lang mismo ang magiging dahilan ng pagwasak nito. Basta ako, mabubuhay ako ng maayos at hahabulin ko pa rin ang mga pangarap na binuo ko sa mundong ginagalawan ko – kitakits na lang sa December 22, 2012. ®


It's Been A While...

    Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapag-sulat sa tinagurian kong 'My Happy Place'. Siguro dahil na rin sa marami akong ginagawa at'saka nawalan ako ng internet connection last year (naibalik lang this May) ay hindi na muli ako nakadalaw dito. Ngayon ay hindi ko naman maalala kung paano ko nakumbinsi ang sarili ko na gumising ng ala-una ng madaling araw para lang buhayin ang ilang buwan nang namamayapa kong pahina. Nevertheless, isa lang ang masasabi ko.........