RSS

15.8.12

AUX TRACKER

"Thank you for calling, how may I help you?"
"Is there anything else, Mr. Davis?"
Mga sampung segundo pa lamang yata ako nakatayo sa may first bay sa floor, pero pakiramdam ko mga dalawang oras na yata akong tulala doon. Ganito pala kapag unang sabak mo sa industriyang ito, nakaka-overwhelm ang mga nakikita mo sa ilang dipa sa harap mo. Oo, kwento-kwento ng mga kaibigan ko na galing na sa ganitong buhay na basta conversant ka sa wikang Ingles ay makaka-survive ka sa gubat na ito. Kaya bitbit ang aking husay (well, hindi naman talaga husay..) at dulas ng dila sa pagi-Ingles, nagbalak akong pasukin ang call center industry at magpanggap sa sarili na interesado sa problema ng iba.

Interview. Umaga pa lamang nasa opisina na ako sa isang building sa Shaw. Wala pa akong tulog noon dahil kagagaling ko lang sa isang inuman kinagabihan at abot-nguso ang eyebags ko. Mahigit sampu yata kami noon na nakapila sa tapat ng Recruitment counter kung saan kami pinaghintay ng masungit na recruiter. Bakit kamo masungit? Tanungin mo ba naman ng "saan po magpapasa ng resume?" tapos sagutin ka ng "Are you aware that you've just entered an English-Only zone?". Muntikan ko na nga sapakin kahit babae eh, ganitong naghalo ang puyat at amats sa katawan ko eh babarahin ako. Anyway, nang tawagin kami para sa initial interview ay kaagad kaming pinapasok sa isang maliit na opisina 'di kalayuan sa recruitment counter. Tatlo kaming pinagsabay-sabay noon, at dalawa sa amin ang tagaktak ang pawis -- ako at yung katabi ko. Nang magsimula ang talakayan (naks, ang lalim lang), nalaman ko na ang kapwa kong pawisan ay first time call center applicant din. Balu-baluktot ang pananalita niya at parang si Jimmy Santos lang ang kausap ng recruiter, kaya alam ko na kaagad na matsu-tsugi itong katabi ko. Sumunod na tinawag ay yung katabi niya. 'Telling about yourself' pa lang, pasikat na ang loko. Kesyo three years na daw siyang call center agent sa apat na centers na pinasukan niya, kesyo kabisado na daw niya ang do's and don't sa nasabing industriya. Nang tinanong nga ng recruiter kung bakit di na lang siya mag-apply for higher posisyon, sinagot lang niya ng "I really love helping others with their problem. Providing excellent customer service is really my strength in this business." -- Oh di'ba, ang bangis! Inaabangan ko nga kung tatambling siya sa harap sabay opening spiel eh, papalakpakan ko sana.

Nang ako na ang sasalang sa interview, bigla akong nilamon ng daga sa dibdib ko. Ang kanina lang na kabayong naghahabulan sa dibdib ko, napalitan ng mga hipopotamus na nagpa-Pandango sa dibdib ko. Unang tanong sa akin, ang walang kamatayang tanong na "Tell me something about yourself" ayon sa kababata ko. Iba pala ang feeling kapag lehitimong recruiter na ang kausap mo at hindi ang barkada mong parang tanga lang kung magpanggap na interviewer. Salamat sa kababata kong nagbigay ng mga helpful tips sa ganitong eksena, nalagpasan ko naman ito without breaking a sweat. Kumbaga sa basketball, sa akin bumagsak ang bola pagkatapos ng jumpball. Naging maayos naman ang usapan namin hanggang sa banatan niya ako ng tanong na "how would you describe the color red to a blind person?". Anak ng baklang ninja, saang galaxy niya nahugot ang tanong na iyon? Gusto ko siyang sagutin ng purong tagalog ng "tanga ka ba? sa tingin mo paano malalaman ng bulag kung anong kulay man ang pinagsasabi mo? common sense naman, 'teh! tangampowtek!", pero dahil master ako ng self-control ay sinagot ko na lang siya ng "it's the appropiate color if you're feeling angry. The color red would also fit if you're in love with another person." Oh di'ba ang apt lang? Parang adik lang na suminghot ng katol na binabad sa rugby? Well luckily nakapasa naman ako sa initial interview, computer exam, typing test (maraming salamat sa Counterstrike at Dota sa ilang years ng training sa typing skill ko), at final interview. Sa wakas -- makalipas ng apat na buwan simula nang magbakasyon ako sa pag-aaral dahil sa katamaran, may trabaho na ako!

Core skills. Petiks mode muna. Inaral namin dito ang tamang pronounciation, enounciation, intonation, liasion at kung anu-ano pang 'sion' na maisip ng mga putragis na 'Kano na ito. Dito nagsimula ang pakikipagkapwa-tao ko sa mga kasama ko at pinagmasdan ko rin kung anu-anong klaseng tao ang makakasalamuha ko sa bago kong pagkakaabalahan sa buhay ko. Hindi pa man ako nakakatagal sa pagkakaupo ko sa training room, nagpakilala kaagad ang isang lalaki sa tabi ko. Ray-ann daw ang pangalan niya. Teka, Ray-ann? Di'ba pambabae 'yun? Nang hindi na niya ako kinakausap at nakatingin sa akin, sinipat kong mabuti ang katabi ko. Malaki ang....braso. Matambok ang....tyan. At may umbok sa....pantalon. Hmm. Kung gago lang akong tao, malamang dinakma ko na dibdib nito at titingnan ko kung sasapakin ba ako nito o jojombagin lang. Balak ko ngang hagisan ng sipa at titingnan ko kung kakawala ang pagiging babae niya. Anyway, mabalik tayo doon sa mga pagkatao. Dahil na rin sa may dugong psychologist o psychotic ang pamilya namin, marunong akong manghula ng pagkatao ng isang tao base sa kinikilos nito. At ito ang aking mga napansin at ihahalintulad ko ito sa account na pinasukan ko -- technical account:

* Yahoo! Messenger - ito ung mga emoticon ng YM personified. Yung tipong kakwentuhan ka na sa buong buhay niya, pero kahit phone name mo man lang hindi niya alam. Kapag nasa floor na rin sila din ang mga madalas mong makita na mala-Joker ang ngiti kahit na gusto nang magpakatiwakal sa sobrang tanga ng kausap sa phone dahil hindi alam ang simpleng proseso ng Ctrl+C and Ctrl+V

* Twitter - ito ang mga taong favorite past time ang pagusapan ang buhay ng may buhay. Kapag avail, makikita mo itong pinaguusapan ang lahat ng gawin mong mali sa buhay ng kasamahan nila. Kulang na lang, sampalin ng simbolong hash tag sa pisngi.
* Power Saving Agents - sila ung unang tingin mo pa lang alam mo nang gagawing hotel ang floor lalo na ang sleeping quarters. Bago magsimula ang shift ay makakasalubong mo sila na bagong gising sa pantry at matapos ang shift ay liliko naman ito papunta sa sleeping quarters. Tapos kada oras makikita mo sa floor na humihikab at panay unat sa kinauupuan -- pero pagsapit ng rest days ay buhay na buhay ang dugo at nasa gimikan palagi.

* Dial-up Connection - ito yung mga tipo ng agents na tumatabo ng Fail pagdating sa QA -- tipong Opening at Closing spiel lang ang itinama sa buong call, minsan nadadale pa ang mga spiels. Kapag tinuruan mo naman ay daig pa ang makalumang paraan ng pagko-connect sa internet, ang dial up connection.
D-UC Agent: "Pare, paano nga pala kapag hindi nago-on yung unit ni customer?"
Ikaw: "Ah, madali lang yan. Ganito ang gawin mo <insert troubleshooting steps>."
D-UC Agent: "Salamat, pare!"
Makalipas lang ang ilang oras sa shift...
D-UC Agent: "Pare, paano nga pala kapag hindi nago-on yung unit ni customer?"
Ikaw: "Katulad lang yan ng kahapon ah? Ganito ulit <insert same troubleshooting steps here>."
Kinabukasan..
D-UC Agent: "Pare, paano nga pala kapag hindi nago-on yung unit ni customer?"
Ikaw (Inis na): Punta ka sa Gilmore sa Cubao, doon ka magtanong...

* Link-up Connection - sila naman ang tinaguriang "love team" sa floor. Dinaig ang tambalang 'Kimerald' sa tamis at PBB Teens sa lampungan sa floor. Mahirap kasama ang mga ito sa team, lalo na kapag ang buong team ay may ka-love team tapos ikaw lang ang single. Masarap magdildil ng luha sa loob ng madilim na stock room tuwing team building niyo dahil ikaw lang ang walang kayapos. Pero mas mahirap silang kasama kapag nabuwag ang tambalan nila, ipit ka kung kanino ka sasama sa dalawa tuwing lunch. Ang sarap ipasundo kay Satanas ang mga nagma-maasim na hindot na yan.

* Laptop without cooling fan - sila ang mga agents na pinaglihi kay Incredible Hulk. Konting bara lang ni customer o hindi lang sila maintindihan, liliyab kaagad sa galit. Minsan nga, opening spiel pa lang eh badtrip na kaagad hanggang sa pindutin ang log-off button sa Avaya. Minsan tinanong ko ang nakatabi kong ganitong agent kung bakit mainitin ang ulo niya every call, ito ang sinagot niya sa akin:
"Umuulan eh." Tambling ako eh. Akala ko may kinalaman pa sa mga tala at alignment ng mga planeta ang dahilan niya.

* Windows 95 - sila ang mga agents na noong kabataan nila ay ang 'in na in' pa ay COBOL language. Hindi pa naiisipan ni Bill Gates na gumawa ng Windows OS, pero ang mga agents na ito ay nagti-thesis defense na sa UST o UP. Ang resulta, parang si Kuya Cesar lang kung magsalita at makapal pa sa CPU ang salamin sa mata. Gasgas din sa kanila ang AUX Bio dahil kasing liit na lang ng munggo ang mga pantog nila at tuwing lunch break ay may naghihintay na nurse para tulungan siya sa pagkain. (Oo alam ko, exaggerated na yung mga pinagsasabi ko. Malay mo lang naman).

* Windows 8 - sila naman ang kabaliktaran ng nasa taas. Bagong sibol pa lamang sila pero para nang mga anak ng Diyos kung humawak ng tawag. Lahat ng process, alam -- daig pa ang supervisor mo pagdating sa product knowledge. Mangilan-ilan na rin ang nakasalamuha kong ganito, at believe me when I say kahit Batch 1 ka pa tapos sila ay mga Batch 23 pa eh hindi malabong matalo pa niya kayo at makuha ang titulong 'top agent'. Ang sarap dakmain ang mukha sabay sigawan ng 'IKAW NA!'

* Microsoft Office Help Wizard - kung madalas kang gumawa ng school papers sa MS Word noong estudyante days mo at hindi lang copy paste ang alam mo, kilala mo na siguro kung sino si MOHW. Siya yung makulit na icon (kadalasan Clip ang anyo niya) na hobby ang pakialaman ang bawat word na tina-type mo at naghahanap ng mali sa ginagawa mo -- parang ex ko lang (bitter amputa!). Anyway, pagdating naman sa trabaho ay sila naman ang mga taong mahilig magtanong ng kung ano-ano at paulit-ulit sa iyo. Mapatungkol man sa trabaho o sa personal mo nang buhay. Parang kasama sa job offer nila ang siguraduhing kabisado ang bawat problema ng taong nakapaligid sa kanila. Yung tipong gayahin mo lang ang pose ni Ninoy sa pera at magbuntong hininga ay tatanungin ka na kaagad ng "may problema ka yata?" tas pagpipilitan niya na may problema ka kahit wala naman talaga. Oo na, ikaw na problema ko. Congratulations.

Okay, tapos na ang paga-analyze ko sa mga kapwa ko ahente at oras na para magtrabaho. First day, tinopak ang Avaya o ang headset ko (di ko maalala kung alin) at hindi ako marinig ni customer. Kahit tadtadrin ko ng opening spiel ang kausap ko ay paniguradong hinding-hindi niya ako maririnig. Gusto kong halikan ang mentor ko noon nang sabihan niya akong mag Aux 5 buong shift dahil 'on hiatus' daw ang Avaya ko. Pero nasira din ang kaligayahan ko nang kinabukasan ay naayos na ito at balik na sa trabaho. Kaya let's rewind -- First day, first call, first misery. Tandang-tanda ko pa ang eksena at date noon (September 6, 2011) nang pasukan ako ng call. Faulty HDD, within warranty pa ang unit, at masarap naman kausap si customer. Sabi niya sa akin, 6 months pa lamang ang computer niya nang atakihin ng mga virus ang HDD niya. So ako naman since nasa warranty period pa si customer, nag-proactively offer ako ng On-site repair kung saan ay dadayuhin siya ng 3rd party technician para ayusin ang computer niya. Sa kasamaang-palad, naka-barge pala ang Trainer namin noon at sinabi niyang hindi pwede ipa-repair ang unit niya dahil customer-induced damage ang virus. Nang bawiin ko ang sinabi ko sa customer ko, doon na nagsimula ang giyera namin hanggang sa na-uwi sa sup call. Ayun, first day at call ko -- nakatikim ako ng first supervisor call at first coaching. FML.

Speaking of supervisors, hindi bababa sa sampu ang mga na-encounter kong sup calls sa call center life ko. Ilang supervisors na rin ang nakasalamuha ko, may ilang magagaling at karapat-dapat sa pwestong pinanghahawakan nila -- at may ilang minsan magdududa ka sa krebilidad na hinahanap ng kumpanyang pinapasukan mo. Ito yung mga tipong parang tanga lang at props lang ang pagiging Team Leader niya. May ilan din na sagad hanggang bone marrow ang titulo ng TL kaya pati buhay pagibig mo ay papakialaman niya (full support daw siya sa mga teammates niya). At syempre hindi rin mawawala ang mga TL na mahilig mag-power trip ng mga agents niya pero sabaw naman kapag tinanong mo tungkol sa trabaho mo. Hindi ko makakalimutan yung first ever account ko kung saan ay may napa-suspend naming team ang sarili naming TL dahil nagpa-power trip sa mga walang kamuwang-muwang naming mga ka-team. Nang maka-abot itong kwento sa Account Manager namin ay sinuspend niya ang TL namin for two weeks yata hanggang sa nagprisinta nang mag-resign ang tao. Ngayon ang alam ko nasa isang center na rin siya --  malamang doon na naghahasik ng lagim.

Apat na account (yung una ay hanggang unang araw lang ako ng product training), apat na team leaders, apat na palit ng employee number, apat na pose para sa ID, at dalawang bank account. Ito ang magsa-summarize ng isa't-kalahating taon ko sa industriyang ito. Halos lahat na yata ng race ay nakausap ko maliban sa Hispanic ("I have a problem, ese. Viva La Raza!"); Amerikano (Puti at Sunog), European, Chinese, Koreano, Vietnamese, Australians, at mga kapwa ko Pinoy. Syempre hindi mawawala sa listahan ko ang bespren ng katabi ko sa floor ngayon pero mortal kong kaaway: ang mga Bumbay. Siguro lagpas na sa isanglibo ang mga tawag na nahawakan ko at malamang kalahati ng iyon ay puro misinformation. Maangas sa una at naliligo sa conviction sa una habang nakikipag-away, tapos pagkababa ng phone sabay nalaman na mali pala ang mga sinabi. Callback kay customer at mas maamo pa sa aso ang tono ng pananalita. Kinain ang pride. Busog.

Ngayon ay patuloy pa rin ang ikot ng mundong ahente sa sentro ng mga tawag ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako dito, o may magkakamali ba na i-promote ako sa higher position o sa higher chair lang uupo para tanaw kagaad ng supervisor ko kung may kalokohan akong ginagawa. Ayokong manatiling agent habambuhay sa industriyang ito, pero kung parang Takeshi's Castle naman ang labanan sa promotion eh hahayaan ko na lang at bubulong na lang ng sumpang "tutubuan ng pigsa sa ngala-ngala" para sa mga kasabay ko. Basta, bahala na si Batman sa kung anong meron para sa akin sa hinaharap; sa ngayon ay kuntento na ako sa ginagawa ko kung saan boses ang puhunan ko. Sabi nga ng TL ko, darating din tayo sa point kung saan mamimili ka kung anong daan ang pipiliin mo; ang daang malubak at pinabayaan ng MMDA o ang tuwid na daan kung saan si P-Noy ang nagpagawa. I know obvious naman kung alin dapat ang piliin mo, pero hindi ibig sabihin ng may pagpipilian ka ay ikaw mismo ang nagko-kontrol ng magiging resulta ng desisyon mo. Maaaring sa tuwid na daan ka nga pumunta, pero ang resulta palang naghihintay sayo doon eh mabu-burnout ka sa ginagawa mo dahil paulit-ulit na lang. Maaari ding sa lubak na daan ka dumaan kung saan puno ng pighati, hirap at parusa pero pagdating mo sa dulo eh ikaw na pala ang nasa tuktok ng bundok at binabaha ka na ng respeto mula sa mga taong nakapaligid sa iyo dahil sa tatag mo sa buhay. Ikaw na ang bagong "Pacquiao" sa buhay nila, ma-link ka lang kay Ara Mina o kay Krista Ranillo eh kumpleto na.

Basta, matagal pa iyan. Hindi ko alam kung kailan ang expiration date ko sa trabaho o sa buhay kaya gagawin ko na lang ang lahat ng magagawa ko para masabi ko na ginawa ko namang makabuluhan ang buhay ko kahit hindi ko naka-siping si Angel Locsin. Ika nga eh, 'abangan na lang ang susunod na mga kabanata'. Teka lang, may call na ako. - FIN

2.6.12

The Apocalypse


April 1, 2012 – probably around past midnight. I found myself watching a movie about a prophecy that’s been passing from generations to generations since what, the Mayans decided to end their calendar four days shy before Christmas. Actually, last year ko pa balak panoorin itong palabas na ito pero dahil naging busy sa work for almost a year ay hindi ko matapos-tapos ito (ang naalala kong scene sa palabas na ito bago ko pa panoorin ngayon ay nang mag-landing sila sa Yellowstone para hingin ang mapa kay Charlie), pero dahil bumili ng original DVD copy ang nanay ko kagabi ay pinanood ko na rin. At ayun, after 2 hours of catastrophe of apocalyptic proportions, ground-breaking effects, people screaming and running for their lives, at unti-unting pagka-ubos ng mga cast ng palabas (tatlo na lang sa mga kilalang artista ang nabuhay) ay naiwan akong tulala at litong-lito sa palabas na dapat ay magsisilbi kong pampa-antok.
Ang nakakatuwa lang sa palabas na ito ay parang nabasa ko ang eksenang ito sa isang libro na maraming tao ang may akda. Naisip ko nga habang binabalikan ko ang mga eksena na napanood ko ay para lang itong modern-Noah’s Ark-flooded world disaster story na hinaluan ng prophecy para mas lalong kagatin ng tao. Sabi sa propesiyang ito ay sa araw ng December 21, 2012, the world that we all know will come to its end. Magugunaw ang mundo, magkakaroon ng ‘rupture’, o kung ano-ano pang pangyayari na hindi kayang lagpasan ng santinakpan. Hindi ko alam ang buong storya ng propesiyang ito, pero alam ko na ang mga Mayan na umupa sa mundong ibabaw ilang libong taon na ang nakakalipas ang nagpanimula nito. Sabi ng iba na mga Mayan daw ay matatalinong nilalang na naisip nila na ang mundo ating ginagalawan ay parang gatas o gamot lang – may expiration date din, at ang best before date na iyon ay ngayong taon na mismo. Marami ding mga tao ang sumunod sa yapak nila at gumawa ng sarili nilang petsa ng araw ng paghuhukom. Fortunately, nalagpasan naman natin lahat ng mga araw na iyon na buhay pa’t humihinga – maliban sa isang petsa.
Kung ako ang tatanungin tungkol sa bagay na ito, malamang tawa lang ang unang maririnig mo sa akin. My Roman Catholic-side would probably tell you that only God above knows our expiration date. Sa isang iglap — kapag nayamot Siya sa kabulastugan ng taong nilikha Niya ay baka magpadala ulit Siya ng baha na mas mababa lang ng bahagya sa Mount Everest. Totoo lang, sanay na akong manirahan sa bahaing lugar kaya baka hindi na bago sa akin kung ganoon. But kidding aside, naalala ko sa Exodus kahit na ilang taon ko nang hindi binabasa ulit ang Bible ay nangako ang Diyos na hindi na niya ulit iyon gagawin. Nasa 10 commandments Niya ang utos na ‘bawal magsinungaling’ kaya I’m really hoping na malabong mangyaring hindi Niya iyon tutuparin. Kung scientist-geek opinion ko naman ang palilitawin mo, malamang sampalin lang kita ng mga URL na mula sa Wikipedia. To be honest, wala akong maibabanat sa’yo na non-religious opinion dahil una sa lahat ay ipinasasa-DIyos ko na lang ang kapalaran ko at ng mga taong mahalaga sa akin araw-araw. Kung kukunin na Niya ako, siguraduhin lang Niya na busog ako sa explanation kapag nagtanong ako sa Kanya na para bang commercial ng McDo. Nagbabasa-basa rin naman ako online tungkol sa mga facts at haka-haka ng mga scientist at self-proclaimed ‘prophets’. Minsan naiisip ko na may point din naman sila sa mga nakikita nilang kapalaran natin in the near future pero bigla kong maiisip ang ilang bagay kagaya nito:
o    Wasn’t there a time when the brightest minds on the earth thought or believed that the world was flat?
o    There is a time when they also believed that the earth is the center of the solar system and not the sun.
o    Hanggang ngayon ay hindi pa rin nasasagot ang mysteryo kung paano nawala ang mga dambuhalang dinosaurs that once ruled the earth at kung paano nahati sa anim na continents ang mundo.
Ang mga scientist o matatalinong tao sa mundo – kahit gaano pa sila katalino, ay tao pa rin at posibleng magkamali pa rin sa mga bagay-bagay na inaakala nilang tama at mali. Malay natin, tama pala sila na isang malaking kalokohan ang mga taong nagsasabing magugunaw ang mundo sa taong 2012. At malay din natin, tama pala ang mga ‘propetang’ nagsasabing katapusan na ng mundo ngayong 2012 at hindi lang talaga sila nagkasundo-sundo sa tunay na petsa. Kung ako ang tatanungin, malay natin there’s a teeny tiny possibility na magbago ang lahat at magtagal pa tayo ng ilang taon sa mundo o malusaw kasabay nito sa December – kung sa basketbol nga ay maraming nangyayari kahit 24 seconds na lang sa time clock, siyam na buwan pa kaya bago ang nakatakdang araw? Pero let’s face it, magunaw man o hindi sa December 2012 ay aminin nating hindi talaga okay ang kalagayan ni Mother Earth (and I’m not talking about my Level-2 technical support representative sa opisina). Naging favorite past time na ni Inang Kalikasan ang magpakawala ng lindol sa buong mundo, at kaliwa’t kanan din ang bagyo’t buhawi sa Pilipinas at iba pang parte ng mundo ngayong summer season. Snow na lang ang hinihintay ko na mangyari sa Pilipinas, kumbinsido na ako na “Putang-ina, it’s either may hindi magandang mangyayari sa mundo ngayon o nag-migrate pala kami sa Alaska kagabi pero nakalimutan ko lang”.
                Pero sige, let’s play the ‘Devil-advocate’ game: what if *knocks on wood* magunaw nga ang mundo this coming 12-21-12? Have I lived my two decades here on earth to the fullest, or the ‘foolest’? Oh no, life flashes back. Bigla kong naisip, marami pa pala akong hindi nagagawa sa buhay ko. Sa ngayon habang ginagawa ko itong blog entry ko na ito ay hindi pa ako nakakahawak ng diploma o nakakapag-suot ng itim na toga. Sa ngayon, hindi pa ako nakakasahod ng pang-isang milyong piso ko simula nang magtrabaho ako last December 2010. Siguro kung nasa cartoons tayo ay malamang pumulupot na sa bahay namin ang ‘to-do lists’ ko sa dami ng mga planong hindi pa naisasagawa. Kulang ang 23 years para gawin lahat iyon dahil strict ang nanay ko noong mga unang dekada ko pa lang na mamuhay para payagan akong mag-around the world pagka-retire sa trabaho (actually, hanggang ngayon ay strict pa rin naman siya kahit kaya kong bumiyahe ng Hong Kong mag-isa basta’t may pera). Kulang ang 23 years dahil wala pang tao na bumuo ng pamilya at magkaroon ng apo sa edad na beinte (kung alam ko lang na hanggang 23 years old lang ang itatagal ng buhay ko ay inanakan ko na ang magandang nurse na tumulong sa tumuli sa akin noong 11-12 years old ako). At higit sa lahat, kulang ang 23 years old para patunayan sa sarili ko na may mararating ako sa buhay kahit na wala akong ideya kung paano laruin ang buhay noong mag-kolehiyo ako. Para kasi sa akin ngayon ay ang buhay ay parang laro lang – parang Grand Theft Auto to be exact. Dapat alam mo kung paano tapusin ang mga misyon na dinaraanan mo habang lumilipas ang mga oras at taon. At siyempre, may mga side missions din ang buhay kagaya ng pagiging taxi driver just for the hell of it, hanapin ang mga natatagong yaman sa syudad, at iba pang mga katarantaduhan pwede mong gawin kapag burned-out ka na sa kalalaro ng mga misyon. At kapag nagawa mo ng tama at kumpleto ang mga bagay na iyon, 100% ang completion mo sa buhay. Kitam, may positive effect din ang paglalaro ng GTA – hindi ko alam kung bakit galit na galit ang mga aktibista dito.
                Ngayon ay alas-kwatro na ng umaga, dalawang oras na ang nakalilipas nang panoorin ko ang palabas na pakay ko sa usapan ngayo pero nasa isip ko pa rin ang concept ng palabas. Ang sarap murahin ng direktor at sigawan ng “Oo I get the picture, 2012 na ngayon – so what’s your point?”. Ginawa ba ang palabas na iyon para katakutan ko ang pagpatak ng masalimuot na araw na iyon, o para ma-apreciate ko ang buhay na tinatamasa ko ngayon? Ah basta, kagaya ng sinabi ko kanina lang ay ipinapasa-Diyos ko na lang ang lahat. Bahala na siya kung makiki-ride siya sa trip ng mga ‘propetang’ iyon o hahayaan niyang tao na lang mismo ang magiging dahilan ng pagwasak nito. Basta ako, mabubuhay ako ng maayos at hahabulin ko pa rin ang mga pangarap na binuo ko sa mundong ginagalawan ko – kitakits na lang sa December 22, 2012. ®


It's Been A While...

    Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapag-sulat sa tinagurian kong 'My Happy Place'. Siguro dahil na rin sa marami akong ginagawa at'saka nawalan ako ng internet connection last year (naibalik lang this May) ay hindi na muli ako nakadalaw dito. Ngayon ay hindi ko naman maalala kung paano ko nakumbinsi ang sarili ko na gumising ng ala-una ng madaling araw para lang buhayin ang ilang buwan nang namamayapa kong pahina. Nevertheless, isa lang ang masasabi ko.........